Thursday, October 6, 2011

Bagyong Pedring

        Ang Bagyong Pedring ay madaming nasalantang lugar kasama na dito ay ang Nueva Ecija,Aurora, at Bulacan. Halos isang buong linggo ang tinagal ni Pedring sa ating bansa.Ang bagyong si pedring ay madaming nasalantang pananim dito sa atin at sa iba pang mga lugar.Bumaha halos lahat ng lugar sa Nueva Ecija dahil nagpakawala ang Pantabangan Dam.
       
       Madaming Pamilya sa atin ng mga nawalan ng bahay dahil sa bagyong ito ngunit kahit ganuon ang nangyari nagtulong tulong ang ating mga kababayan.Madaming mga paaralan ang ginawang Evacuation Center upang may matuluyan ang mga pamilyang binaha.May mga relief goods din na binibigay sa mga pamilyang nasa Evacuation center upang  sila ay makakain.Dahil sa Bagyong Pedring ay napatunayan natin mga Filipino na tayo ay nagtutulungan at nagkakaisa sa ganitong sitwasyon. :D

Friday, September 16, 2011

INTRAMURALS 2011 @ WU-P


Ang intrams sa wesleyan university-philippines ay sinimulan noong lunes Septyembre 12 at natapos ngayong biyernes Septyembre 16.Isang buong linggong puno ng kasiyahan,Ang swimming team ng Technology ay nagkamit ng maraming gold at ang Table tennis din.Samantalang ang basketball team ng Technology Department naman ay lalaban bukas ng Sabado Septyembre 17 para sa ikatlong pwesto na lamang

Wednesday, August 24, 2011

BUWAN NG WIKA 2011


       Ngayong buwan ng Agosto 2011 “ Buwan ng Wika” . Ang wika ng isang bansa ay masasabi natin na kaluluwa ng isang bansa na siyang nagbibigay buhay dito. Ito ay nagsisilbing tulay na siyang nagdurugtong sa mga komunidad na naninirahan sa isang bansa. Sa pamamagitan nito, ang pagkakaisa at pagkakaunawaan sa bawat tao ay lalong yumayabong. Ito rin ang nagsisilbing susi ng ating pagkakakilanlan, sa pamamagitan nito, nakikilala ng ibang tao kung sino tayo. Ang importansya upang lalong paunlarin at palawakin ang ating pambansang wika ay matagal nang binibigyang pansin ng mga namumuno sa ating bansa. Sa Pilipinas mayroon tayong higit sa isang daang klase na lengwahe na ginagamit mula Batanes hanggang Tawi-tawi, ngunit ang pambansang wikang Filipino pa rin ang siyang mas malimit na ginagamit at mas naiintidahan sa buong kapuluan.
       Sa ating mayamang salita, madali nating makikita ang ibat-ibang impluwensya na siyang nakapagbago at humulma sa pagkatao ng mga Filipino. Samakatwid ang wika rin ay maari ring maging batayan ng ating nakaraan at kultura. Kaya ang Buwan ng Wika ang isa sa mga pagkakataon natin upang ito ay pagyabungin at ipagmalaki. Pagkakataon din ito upang iparating sa ating mga kababayan na ang ating pambansang wika ay hindi lamang para sa pakiki-pagkomunikasyon ngunit siya ring pundasyon ng ating pagkakakilanlan bilang isang indibidual at bilang isang bansa. :D

Thursday, August 11, 2011

WESLEYAN UNIVERSITY @ CABANATUAN

Ito ang Cabanatuan City at dito matatagpuan


     ang Wesleyan University Philippines ay isa sa mga pinaka tanyag na paaralan dito sa Nueva ecija at dito ako kasalukuyang nag aaral ng kolehiyo ang aking kurso ay

Bachelor of Science in Electronics and Communications Engineering (BS ECE).Marami din kurso ang maaaring kuhanin dito tulad ng Bachelor of Science in Computer Engineering (BS CoE) , Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management (BSHRM) , (BSAT) Bachelor of Science in Accounting Technology , Bachelor of Science in Accountancy (BSA) , Bachelor of Science in Commerce (BSC) , Bachelor of Science in Business Administration (BSBA) , Bachelor of Secondary Education (BSED) , Bachelor of Elementary Education (BEED) , Bachelor of Science in Criminology (BS Crim) , Bachelor of Science in Medical Technology (BSMT) , Bachelor of Science in Radiologic Technology (BSRT) , Bachelor of Science in Nursing (BSN) , Bachelor of Science in Computer Science (BSCS) ,Bachelor of Science in Information Technology (BSIT) , Bachelor of Science in Social Work (BSSW) , Bachelor of Arts (AB)

Monday, July 18, 2011

10 years from now?

I imagine what if after graduation in college being a college students.We go on different way's,go in different fate and after those ad venture's and struggles that we have in unexpected place an time we will meet again,face each other and feel happy for each in everyone that they become a successful in there way's And remember  when were a college students in the past.. :D

Friday, July 15, 2011

ECE@WU-P

 WHY ECE ?
My life completely revolves with computers (and other techie stuffs) which lead to my interest in taking Computer Science or Computer Engineering back then; however, due to the ambition of working as a corporate manager of an IT company in the future, I also want to take Management.

Moreover, I also considered the demand/job opportunities of the course, But the bigger part of my decision came from my Dad ECE gusto niya,
he didn't want me to take up CS or CE because there's a small number of job positions for it.so ECE kinuha ko :D


WHY AT WU-P?
Wesleyan one of the most popular school in cabanatuan.